ubod ng tamis
ubod ng ganda
dumaan ang mga dekada
dumaan ang bagyo
nalaglag ako sa lupa
walang lakas na bumalik
wlang lakas na tumakbo
nakita ko ang mundo sa ibaba
madumi, malungkot, malayo
malayo sa aking hangin
malayo sa aking araw
malayo sa mata ng karamihan
inapakan ako at nadurog
gumulong pa layo
malayo sa lupang aking nililingon mula sa itaas
Ngayon ako'y nabubulok
Ngayon ako'y basura
nilalangaw sa umaga
dinadaga sa gabi
walang araw na di ko ninais na maging bunga ulit
ako'y nakalimutan na
ako'y wala na
sa aking huling oras ako'y sumasamo
sa may kapal na may gawa ng lahat
nais kong mabuhay sa isang mundong
magkakabit ang lupa at langit
nais kong mabuhay sa mundong
walang mataas at walang mababa
nais ko sanang maibsan
ang sakit ng aking pagbagsak
Tinabunan siya ng lupa
Naglaho sa mundong ibabaw
Ngunit isang araw
Ang halaman ay tumubo
Lumago at Yumabong
Naabot nya ang langit
Habang nakatapak sa lupa
Tumanda siya at nagkabunga
ilan sa mga bunga ang babagsak?
ilan sa mga bunga ang kakanin?
ilan sa mga bunga ang magiging puno?
ilan sa mga bunga ang hindi na muling tutubo?
No comments:
Post a Comment