makakamtan ba? pangarap na di tiyak
maabot ba? ng lakas na di sapat
maankin ba? talentong taglay ng alapaap
makikita pa! ligaya ng kawalan
ibigay sa akin, tala ng karunungan
sapat na liwanag na aking kailangan
upang aking ihandog at matulungan
sakit na hatid ng lakas ng kamalasan
ika'y maawa, tala ng karunugan
maibigay sana, bahagi ng iyong talisman
na aking itatarak sa puso kong duguan
pasalangin sana ang pagkataong balot ng karimlan
o mahabagin, ako sana'y pakinggan
balot na ng takot at digmaan
isip kong puno ng kasawian
kya sa aking munting hiling
sana'y inyong paunlakan
ang buhay ko sana ay iyong bigyan
ng walang katapusang tanong
at walang katapusang kasagutan
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment